Saturday, September 5, 2009

My Lola on her 80th special day!


It was a Beautiful day of Aug 22 '09,Renaisance Hotel Ballroom is waiting to our Birthday celebrant, my Lola Zenaida Zoraida Althea Munoz Vda. de Ovejas, too long for her to pronounce.. that’s why we call her "Lola Zeny" instead of that long name she has. But its beautiful to call her hmmm…. Althea, Lola Althea, sweet name, How about Zoraida sounds powerful yet sophisticated, but she prefer to call her as simply as ZENY. Walang arte noh?

Tita Betty & Tito Bill from Canada flew from the other side of the earth “as she says”, to be a part of the said celebration, sa totoo lang umuuwi lang siya from Canada when we talk about Lola. Sweet! Same as her children here in the Philippines.

Ang galing lang ng mga nangyari kasi si Tito Boy may nakitang siyang picture sa internet na UNANG SPOT ng UNANG SHOP NG lolo pa ni Tito Boy. It runs in the blood siguro na maging photographer and digital editing ang mga forte nila.. and napasa nadin sa amin ng anak at pamangkin. Lolo Tony ang nagpatuloy nun business then si Toto Boy.

Balik tayo sa celebration, sa wakas nagawa naming ung mga pinagmitingan naming before the proper party. Mahirap lang is ung mga accidents like si Lola naiinip na sa bahay niya dahil napaaga ung pagaayus nya for the party, We reserved the Ballroom 2:00pm naligo at nagpaayus si Lola ng 11:30am! Sino nga naman ang hindi mabobored nun! Hahaha! Addition to thatis , while fixing some touches sa hotel out of nowhere bigla nalang pumasok si lola sa lood ng ballroom wala na kaming magawa birthday naman niya eh! At ang sabi pa is “napapagod na ako sa mga ginagawa ninyo ha, tawagan pa kyo ng tawagan sa cell nyo, alam ko naman na may party ako.” – but it was a surprise for her. Nabuking kame!!!

Nakakatawa and nakakaiyak din maging part ng organizer sa parting ito, para sa Lola mo, and sosyal ang place. Diba? Hahaha! Habang nagsisimula na ang program naaaliw lang ako na paglaruan ung host (Tito Bill & Tita Betty) na i-jumble ung program proper.. ginawa kong madrama to smooth sailing contemporary birthday. We have AVP (audio visual presentation) for her, gifts and videos from California people.

Nakakaiyak ung ginawa ni Tito Boy na AVP kasi from the start na pictures ni Lola hangang sa isa-isa na kme lumabas sa mundo.. and every Birthday nya ung mga pictures ang nilagay, may mga nakaaliw may mga nakakaloka! Hahaha!


Alam mo ba kung anu pa ung pinaka gusto ko sa program? Ganito kasi un, nagkkwentuhan kami ng mga organizers na dati hindi or ayaw mag-celebrate ng DEBUT ang mga babae noon, dahil makikilala sila ng mga hapon or mga Americano and kasama si lola sa mga babaeng yun. Ang ginawa naming is nagsayaw si lola together with her “lalake sa buhay” nakatuwa isipin na kahit matanda na si lola gusto nyang gawin un, nung time nga na ako na ang magsasayaw sa kanya tinanong ko siya kung napapagod na siya para itigil na naming ung sayaw part.. ang sagot lang niya is “minsan lang mangyari sa babae ang DEBUT tulad ng ganito pagbigyan nyo na ako ang sumaya” my heart melt! As in! nakita panga sa video na napaluha ako kahit alam ko na may kukuha ng picture samin.

I don’t know how to express the word “THANK YOU” sa kanya pero alam ko narar

andaman niya un pag-nag susurprise visit ako sa kanya. And siya ung tao na natangap ako kung sino ako ngayon, =) nakuwento kasi nya na tinanaong siya ng mom ko kung anu ang gagawin niya sa akin, sa katauhan ko. Sabi lang ni lola “Alam ko na papunta siya sa ganyan kaya pabayaan mo na basta Masaya ang anak mo, sasaya kana din” ayus diba??

No comments:

Post a Comment